Pagdinig kaugnay sa $81 million money laundering issue, itutuloy ng Blue Ribbon Committee bukas

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 1249

ROSALIE_SENATE
Matapos ang mahigit apat na oras na pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng chairman nito na si Senator Teofisto Guingona III na itutuloy nila ang pagdinig bukas NG ala-una ng hapon.

Bigo ang mga senador na mapagsalita si RCBC Jupiter Branch Manager Maia Deguito ukol sa nalalaman nito sa kaso.

Makailang ulit na nag-invoked si Deguito ng kaniyang karapatan laban sa self incrimination dahil aniya posibleng magamit ito laban sa kanya dahil sa kaso nito sa AMLC.

Sa halip ay humiling si Deguito ng executive session at nangako na doon sasabihin ang lahat ng kanyang nalalaman.

Sinabi ni Senator Guingona na maaring ganapin ang executive session bago o habang nagaganap ang pagdinig bukas.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,