Sa isang pambihirang pagkakataon, naglabas ng isang joint statement ang economic managers ng Duterte administration. Nanindigan sila na hindi solusyon ang pagsususpinde sa implementasyon ng TRAIN law sa inflation at sagabal pa sa pag-angat ng ekonomiya.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula 4.5 percent noong Abril, naitala ang 4.6 percent na inflation rate nitong Mayo, ito na ang pinakamataas sa loob ng limang taon.
Pangunahing itinuturong dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng isda, mais, crude oil at bigas.
Pero ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), posibleng pababa na ang inflation rate sa mga susunod na buwan.
Ikinukonsidera na rin ng oil-exporting countries ang pagdadagdag ng produksyon sa langis na posibleng maging dahilan ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado gayundin ang pagdating ng mga rice import sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: economic managers, inflation, TRAIN Law