Suspensyon sa fruit exports ng China sa Pilipinas, inalis na

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 982

incoming-Agriculture-Secretay-Manny-Piñol
Inalis na ng China ang suspensyon nito sa Pilipinas sa pag-e-export ng mga prutas.

Kabilang na dito ang saging at piña na noong lamang nakaraang Marso ay hindi na pinayagan ang pagluluwas ng mga ito sa China dahil sa sanitary issue.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, malaking tulong ito sa agriculture sector lalo na’t ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking exporter ng saging sa buong mundo.

Sinabi rin ng kalihim na pormal na ring sinabihan ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang Department of Agriculture na binubuksan na nito ang merkado ng China sa iba pang mga high value commercial products gaya ng mangga, niyog, dragon fruit at maging ng mga mamahaling isda at iba pang lamang dagat.

Hiniling din ng China na sumama ang DA officials sa gagawing pagbisita ni Pangulong Duterte sa nasabing bansa upang mapagusapan ang iba pang bagay kaugnay sa agrikultura.

Tags: ,