Maaliwas na ang panahon sa bayan ng Baler, Aurora ngayong araw.
Mas payapa na rin ang dagat kumpara noong manalasa ang Bagyong Rosita, dahilan naman upang alisin na rin ng lokal na pamahalaan kahapon ang suspensyon sa lahat ng tourism activities na ipinatupad noong Lunes dahil sa sama ng panahon.
Ayon sa Aurora Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, hindi rin nila maaaring patagalin ang suspensyon dahil na rin sa bugso ng mga turista ngayong long holiday.
Gaya ng inaasahan, dagsa ang mga turista ngayong araw.
Ngunit dahil sa naranasang bagyo ng bayan ng Baler, hindi pa gaanong maganda ang takbo ng bentahan ng mga tindahan sa Sabang Beach.
Kahit ang ilang surfing instructor ay umaaray sa epekto ng nagdaang bagyo.
Umaasa naman ang mga negosyante na agad na makakabawi dahil sa magandang panahon ngayon sa Baler, Aurora.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Baler, tourism activity, turista