Suspension Order sa 27 opisyal at tauhan ng BuCor, agad na ipatutupad ng DOJ

by Erika Endraca | September 11, 2019 (Wednesday) | 4499

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ)  Secretary Menardo Guevarra na natanggap na niya ang utos Ng Office of  the Ombudsman na 6-month suspension without pay sa 27 Bureau of Corrections (BuCor) officials.

Ayon kay Secretary Guevarra, aatasan na niya ang OIC ng bucor na agad ipatupad ang suspension order.
Kabilang sa napatawan ng preventive suspension ang documents Section Division Chief ng Bucor na Staff Sergeant Ramoncito Roque.

Si Roque ang naakusahan na tumanggap ng P50,000 na suhol para sa maagang pagpapalaya sa isang preso. 2 sa middlemen ni Roque na sina Maribel Bancil at Veronica Buño ay kabilang sa mga pinasususpinde.

Ginawang batayan ng ombudsman ang mga nakalap na dokumento at testimonya na nagpapakita na may malakas na ebidensya laban sa mga ito.

Ipauubaya ng DOJ Secretary sa BuCor OIC ang mga paraan upang hindi maapektuhan ang operasyon ng BuCor dahil sa pagkakasuspinde ng mga nasabing personnel na nasangkot sa anomalya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Samantala, pinaiimbestigahan na rin ng kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y hospital pass for sale sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa naturang modus, ang isang preso ay maaaring mailipat sa NBP hospital kapalit ng suhol. Kung makakakuha ng matibay na ebidensya ang nbi ay inatasan ito na agad na magsampa ng kaukulang reklamo sa mga sangkot sa ilegal na aktibidad.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,