Suspended Makati Mayor Binay, iginiit na walang basehan ang kautusan ng Ombudsman

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 2901

JUNJUNBINAY 031515

Sa kabila nang naisilibing preventive suspension order, nanindigan pa rin si Makati mayor Junjun Binay na walang sapat na batayan at hindi naayon sa batas ang anim na buwang suspensyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa alkalde at ilan pang opisyal ng Makati.

Iginiit din ni Mayor Binay na sumusunod sila sa legal na proseso kaya’t hindi pa rin siya aalis sa pwesto at hihintayin pa rin ang desisyon ng Court of Appeals kaugnay ng temporary restraining order (TRO) laban sa nasabing suspensyon.

Dismayado rin ito sa hindi pagpapaliban ng DILG ng paghahain ng suspension order, sa kabila nang wala pa ring desisyon ang korte sa kanilang petisyon.

Humingi naman ng paumanhin ang alkalde sa publiko, lalong lalo na sa lahat ng mga empleyado at maging sa may mga nakatakda sanang transaksyon ngayon dito sa city hall.

Tags: , , , ,