Suspended Brazilian President Dilma Rousseff, nilisan na ang presidential palace

by Radyo La Verdad | May 13, 2016 (Friday) | 1270
Suspended Brazilian President Dilma Rousseff(REUTERS)
Suspended Brazilian President Dilma Rousseff(REUTERS)

Nilisan na ni Suspended Brazilian President Dilma Rousseff ang presidential palace sa Planalto sa kapitolyo ng Brazilia.

Libo-libong suipporter ni Reousseff ang nagtipon sa labas ng presidential palace upang saksihan ang kanyang paglisan.

Itinulak rin ng mga supporter ni Rousseff ang safety barricades at sinugod ang mga nakitang media upang i-protesta ang umanoy biased reporting tungkol sa issue.

Matapos ang halos dalawampu’t dalawang oras na senate session kagabi, 55 sa 81 member senate ang pumabor sa impeachement ni rousseff dahil sa paglabag nito sa accounting rules ng pamahalaan.

Pinabulaanan naman ni Rousseff ang paratang at sinabing wala siyang nagawang mali at ipaglalaban ang kanyang karapatan hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Samantala bumuo na ng bagong cabinet ang papalit kay Rousseff na si Vice President Michel Temer.

Tags: ,