Suspected drug pusher, patay matapos makipabarilan sa mga pulis sa North Caloocan

by Radyo La Verdad | August 30, 2017 (Wednesday) | 1468

Isang anti-drug operation ang isinagawa ng Caloocan Police sa brgy. 176 sa Caloocan City matapos makatanggap ng ulat tungkol sa umano’y nagaganap na pot session sa lugar.

Ngunit nang i-check ng mga pulis ang lugar ay agad nagtakbuhan paalis ang mga suspek maliban sa isa na nakipagbarilan pa umano sa mga pulis. Patay ang suspek na kinilalang si Erwin Labantosas alyas Bunso,37 anyos, matapos mapuruhan ng tama ng bala.

Ayon sa mga pulis, hinihinalang drug runner at drug pusher sa lugar si Erwin. Narekober sa suspek ang isang 38 kalibre na baril, drug paraphernalias at ilang pakete ng suspected shabu.

Ayon naman sa kawani ng barangay, kasama si Bunso sa drug watchlist at matagal nang pinagsasabihan na magbago. Dati na umanong nakulong ang suspek dahil sa panghoholdap.

 

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,