Suspect sa rent sangla scam, patay sa pamamaril sa Laguna

by Radyo La Verdad | April 20, 2017 (Thursday) | 2188


Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspect si Eleanor Rosales alyas Lea sa bahay ng biyenan nito sa Barangay Malusak Sta. Rosa, Laguna kahapon.

Sa kuha ng cctv ng barangay, makikitang bumaba sa itim na sasakyan ang biktima at lumapit sa bahay nang biglang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa dibdib at ulo.

Si alyas Lea ay kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ng Highway Patrol Group sa CALABARZON dahil sa umano’y pagkakasangkot sa Malawakang rent sangla scheme.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung ito ang motibo ng pamamaril sa biktima.

Tumanggi namang magbigay pa ng pahayag ang pamilya ni Rosales sa pangyayari.

(Sherwin Culubong)

Tags: , ,