Supt. Marvin Marcos, may posibilidad pa rin na matanggal sa pwesto ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | July 14, 2017 (Friday) | 3873

Pinakalma ng Philippine National Police ang mga bumabatikos sa
pagkakabalik sa tungkulin ni Police Supt. Marvin Marcos.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil posible pa rin namang tuluyang itong matanggal sa pwesto.

Ito ay dahil wala pang resolusyon ang kanyang kasong administratibo sa PNP Internal Affairs Service at ang criminal case nito sa DOJ.

Ipinaliwanag din ng PNP na kaya nakabalik si Marcos ay dahil sa proseso na pinagdadaanan ng sinomang pulis na nagkakaroon ng kaso.

Aniya, kapag ang isang pulis ay nakulong, awtomatiko itong naka “leave of absence” o LOA ngunit hindi pa rin naaalis sa tungkulin.

Nang maibaba ang kaso ni Marcos sa homicide mula sa murder, nakapag piyansa ito at na-lift ang kanyang LOA.

Nilinaw rin ng PNP na Si Marcos ay OIC lamang at hindi opisyal na hepe ng CIDG sa Region 12.

(Mon Jocson / UNTV Coresspondent)

Tags: , ,