Muling babawasan ang supply ng tubig sa Metro Manila sa Hulyo.
Ayon sa National Water Resources Board, 2 cubic meters per second o cms ang mababawas sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat dam.
Kung matutuloy ito ay magiging 41 cms na lamang ang supply ng tubig para sa mga concessionaires na Maynilad at Manila Water.
Kaninang ala-sais ng umaga ay nasa 173.77 meters na lamang ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Nauna ng binawasan ng 1 cms ang supply ng tubig sa Metro Manila nito lamang June 1.
Nilinaw naman ng NWRB na hindi parin ito makakaapekto sa serbisyo ng tubig lalo na’t papalapit na ang tag-ulan.