Supply ng tubig ng Maynilad, posible pang tumagal ng 3 araw bago maibalik sa normal

by Radyo La Verdad | August 15, 2016 (Monday) | 1530

MAYNILAD
Unti-unti nang nakababawi ang Maynilad sa produksyon ng tubig na isinusupply sa mga residente sa West Zone ng Metro Manila.

Kahapon ay naapektuhan ang nasa 850 libong residente nang bumagal ang paglilinis ng tubig mula sa dam dahil sa malakas at tuloy-tuloy na pagulan nitong weekend.

Ayon sa Maynilad, sa sobrang lakas ng ulan noong Sabado ay tumaas ang turbidity o pagkaputik ng tubig na galing sa ipo dam na pumupunta sa kanilang planta.

Dahil dito, nabawasan ng 750 million liters per day o mld ang produksyon ng malinis na tubig sa nakalipas na araw subalit ngayon ay bumaba na ito sa 160 litro.

Sa ngayon ay bumaba na sa 300 ang Nephelometric units o NTU subalit kailangan pa ng ilang araw bago mabalik sa normal ang serbisyon ng Maynilad.

Pinag-aaralan na ng Maynilad kung bakit nagkaroon ng pagtaas ng turbidity.

Noong 2012 unang nangyari ang pagtas ng turbidity at pinagaaralan na ngayong ng Maynilad kung bakit ito nangyari at kung paano din nila ito masusulusyunan.

Sa mga lugar na apektado ang supply ng tubig, maaaring mag-request ng rasyon sa Maynilad sa hotline 737-33-11.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,