Supply ng NFA rice sa Kamuning Market, nabawasan

by Radyo La Verdad | January 16, 2018 (Tuesday) | 2625

Nabawasan ng kalahati ang supply ng NFA rice sa Kamuning Market.

Ayon sa autorized dealer na si Aling Cresencia, kung dati ay 100 kaban ng bigas ang ibinabagsak sa kanila kada buwan, ngayon ay 50 na lang. Mabili aniya ang NFA rice dahil hindi nagbabago ang presyo nito na 27 pesos ang ordinaryo at 33 pesos naman ang mas magandang klase kada kilo.

Ang commericial rice naman bagama’t sapat pa naman ang supply ay inaasahang tataas ang presyo sa mga susunod na araw. Nasa 30-50 piso na umano ang itinaas ng puhunan ng kada sako nito kaya’t posibleng ipasa nila sa mga suki ang dagdag na piso sa kada kilo.

Para kay Aling Crisencia, normal naman ang pagtaas ng presyo ng commercial rice dahil kakaunti aniya ang inaaning palay sa unang mga buwan ng taon.

Ayon naman sa National Food Autority, nagbawas talaga sila ng supply ng NFA rice sa mga pamilihan dahil kakaunti ang supply. Panguhin anila nilang pinaglalaanan ang mga lugar na nasalanta ng bagyo at kalamidad.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ng NFA na aprubahan ng NFA Council ang hiling nilang pagaangkat ng 250 thousand metric tons ng bigas.

Base sa kanilang tala noong December 31, 2017, kasya pa sa 89 na raw ang stock ng bigas sa buong bansa na karamihan dito ay nasa mga bahay at pribadong sektor.

 

( Rey Pelayo

 

Tags: , ,