Hindi maapektuhan ang suplay ng LPG dahil sa pagkakasunog ng Liquified Petroleum Gas Facility ng South Pacific Inc sa Calaca, Batangas noong Sabado ng hapon.
Ayon kay DOE Asst Secretary Rodela Romero, wala umanong dapat ikabahala ang mga consumer pagdating sa presyo at suplay ng LPG.
Hindi rin naman umano malaki ang market share ng planta at tinatayang 2.4 % lamang ang galing sa SPPI.
Karamihan lang din ng kumukuha doon ay mga consumer mula sa South Luzon at National Capital Region.
Samantala, nag-deklara ng State of Emergency ang lokal na pamahalaan ng Batangas noong Linggo dahil sa nangyaring sunog.
Hindi pa rin pinababalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente hangga’t hindi pa nauubos ang gas mula sa planta ng LPG.
Ayon naman kay BFP Spokesman Superintendent Renato Marcial makakapag-umpisa lamang umano silang mag- imbestiga kapag wala nang laman na LPG ang planta upang makita kung ano ang naging kapayabaan at kung sino ang responsable sa nangyaring sunog.
(Aiko Miguel / UNTV Radio Reporter)
Tags: Batangas, isang planta, Liquified Petroleum Gas, Supply