Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Palawan noong Sabado upang pangunahan ang pagdiriwang ng Subaraw Festival sa Puerto Princesa City.
Ang Subaraw Festival ay bilang bahagi ng pagkilala sa underground river na kasama sa New Seven Wonders of Nature in the world.
Sa kanyang talumpati, nabanggit ng Pangulo ang tungkol sa problema sa kuryente sa lalawigan.
Aniya, hindi umano katangga-tanggap na hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng araw-araw na blackout sa lugar sa kabila ng modernong panahon.
Kaya naman binigyan nito ng hanggang sa katapusan ng taon ang lokal na pamahalaan at electric cooperative sa lugar upang ayusin ang problema.
Anim hanggang walong oras na power interruption ang nararanasan ng mga residente sa lalawigan halos araw-araw. Maging ang ilang mga negosyante ay nagrereklamo na rin dahil sa madalas na pagkawala ng supply ng kuryente.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang normal na supply ng kuryente lalo na sa turismo.
Kaya naman kung hindi aniya ito maaayos sa panahong kaniyang ibinigay ay maghahanap ng bagong electricity operator.
( Andy Pagayona / UNTV Correspondent )
Tags: Palawan, Pangulong Duterte, Subaraw Festival
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com