Supply ng itlog sa bansa sapat – Sen. Villar

by Radyo La Verdad | January 26, 2023 (Thursday) | 8736

METRO MANILA – Walang kakulangan sa supply ng itlog sa bansa ayon kay Senator Cynthia Villar.

Kaya lamang aniya mataas ang presyo nito ay dahil sa artipisyal na shortage na nililikha ng mga trader upang kumita nang malaki.

Katunayan aniya sobra sobra ang supply sa San Jose Batangas na pinanggagalingan ng 30% ng supply ng itlog sa bansa.

Batay sa ulat ng Department of Agriculture, ang medium-sized egg ay dapat may retail price lamang na P7 hanggang P7.50 kada piraso.

P2 mas mababa dapat kumpara sa naiulat na kasalukuyang presyo na P9.60.

Nasa P6.97 lang naman ang farmgate price lamang nito per piece.

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior si DA Undersecretary Domingo Panganiban na pulungin ang traders at producers upang malaman kung bakit nagtaasan ang presyo ng itlog sa kabila ng sapat na suplay nito sa merkado.

Tags: , ,