Supply ng bigas sa Bataan, tiniyak na sapat sa kabila ng banta ng El nino phenomenon sa bansa

by Radyo La Verdad | September 24, 2015 (Thursday) | 1485

joshua_bigas
Simula sa buwan ng Oktubre ay posibleng maramdaman na sa bansa ang mas matinding epekto ng el nino phenomenon.

Batay sa pagtaya ng PAGASA, maaaring tumagal ang matinding init at tagtuyot hanggang sa unang bahagi ng 2016 kaya dapat itong paghandaan, lalo na ng mga magsasakang pangunahin nitong maaapektuhan.

Kabilang ang bataan sa mga lalawigang maaaring makaranas ng drought kaya nangangamba na ang maraming obrero sa magiging epekto nito sa kanilang kabuhayan, pati na rin sa supply ng bigas.

Ngunit ayon sa National Food Authority, walang mararanasang shortage o kakulangan sa supply ng bigas dahil pinaghandaan na nila ito mula nang magbigay ng babala ang pagasa hinggil sa el nino.

Sa ngayon, nasa 120,000 sako ng bigas at 100,000 sako ng palay ang naka-imbak sa nfa warehouses sa Balanga City at Dinalupihan.

Nakahanda rin ang nfa na magsagawa ng relief operation sakaling magkaroon ng kalamidad sa gitna ng pag-iral ng el nino phenomenon.

Sa kabila naman nito, nananawagan rin sila sa ating mga kababayan na iwasan ang pag-aaksaya dahil bawat butil ng bigas ay katumbas ng pawis at paghihirap ng mga magsasaka.(Joshua Antonio/UNTV Correspondent)

Tags: ,