Supply ng bakuna sa Japanese encephalitis sa bansa, sapat – Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines

by Radyo La Verdad | September 14, 2017 (Thursday) | 3215

Walang shortage ng vaccine para sa Japanese encephalitis, ito ang nilinaw ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines sa gitna ng pangamba ng ilang grupo na magkulang ito ngayong tumataas ang demand ng mgha gustong magpabakuna.  

Ayon pa sa sole manufacturer ng bakuna, handa silang magbigay ng suplay sa Department of Health, sakaling isama na ang Japanese vaccine sa kanilang Universal Immunization Program.

Ang Japanese encephalitis ay isang uri ng sakit na naita-transmit mula sa wild pigs at water birds sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Karaniwang biktima nito ay mga batang labinlimang taon pababa.

Paaala ng DOH na kaagad na magtungo sa mga pediatrician sakaling makakaranaas ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, fatigue, pagsusuka, pagkalito at maaaring maging dahilan ng seizure, paralysis at coma.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,