Supplemental impeachment complaint vs Pres. Duterte, inihain ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 3260


Pagta-traydor sa tiwalang ibinigay ng taumbayan, paglabag sa konstitusyon at pagkakasala ng mataas na krimen.

Ito ang nakapaloob na grounds sa pitong pahinang supplemental impeachment complaint na inihain ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano sa Lower House kaninang umaga.

Batay sa reklamo, nilalabag rin umano ng pangulo ang sinumpaan nitong tungkulin sa bayan nang hayaan niyang makapasok sa Benham Rise ang mga barko ng China.

Ayon naman kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, propaganda at publicity lamang ang habol ni Congressman Alejano sa pagsasampa ng reklamo laban sa pangulo.

Maaari din aniyang maituring na ikalawang impeachment complaint ang inihain ngayong araw na labag na sa one year ban.

Samantala, duda naman si House Majority Leader Rudy Farinas na pinapayagan ang supplemental complaint sa isang impeachment case hanggat hindi pa nadidinig o nadidesisyunan ng House Committee on Justice ang orihinal na reklamo.

(Nel Maribojoc)

Tags: , , ,