Supplemental Child Protection Policy, ilalabas ng DepED sa lalong madaling panahon

by Erika Endraca | September 23, 2020 (Wednesday) | 4366

METRO MANILA – Binabalangkas na ngayon ng Department of Education (DepED) ang isang polisiya para sa mga kabataang gagamit ng E-learning modalities ngayong pasukan.

Layon ng supplemental child protection policy na maproteksyunan ang mga bata laban sa mga pang-aabuso o pananamantala.

Ayon kay DepED Undersecretary for Legal Affairs Atty. Josephine Maribojoc, kabilang sa nakapaloob dito ang patakaran sa pagre-record ng video sa online class.

“And some of the themes actually on recording, seeking consent, use of images all of those will be in the supplemental policy. And we hope we will come in that policy in the very near future” ani DepED Undersecretary for Legal Affairs Atty. Josephine Maribojoc.

Nakasaad sa Article 15, section 3 ng saligang batas ang karapatan ng mga bata laban sa lahat ng pang-aabuso, pagsasamantala o exploitation at iba pang kondisyon na makakaapekto sa kanilang pag-unlad.
Sa ginawang survey ng kagawaran, pumapangatlo ang online sa pinili ng mga magulang para sa pag-aaral ng kanilang mga anak ngayong pasukan.

“In fact when we issued supplemental policy as a policy it would become a rule unlike guidelines that you mentioned they are recommendations, so once those are adopted into policy they become rule” ani DepED Undersecretary for Legal Affairs Atty. Josephine Maribojoc.

Inaasahang mailalabas ang naturang polisiya bago matapos ang buwan o sa unang Linggo ng Oktubre.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,