Suporta sa mga sektor na apektado ng mataas na inflation, tuloy – PBBM

by Radyo La Verdad | October 6, 2023 (Friday) | 7755

METRO MANILA – Muling bumilis sa 6.1% ang naitalang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong nakalipas na buwan batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kaugnay nito ay tiniyak ng Marcos administration na magpapatuloy ang tulong sa mga sektor na apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Arsenio Balisacan, kabilang sa mga inisyatibo na ito ay ang digital food stamp program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layong solusyunan ang kawalan ng seguridad sa pagkain at malnutrisyon sa low-income Filipino households.

Sa ilalim ng digital food stamp program, magbibigay ang pamahalaan ng P3,000-worth ng food credits na maaari lamang gugulin sa pagbili ng pagkain.

Tags: , , ,