Ipinaliwanag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III nitong Huwebes (March 3) sa kickoff ng BIR’s tax campaign na mahalaga at malaki ang maitutulong ng suporta ng mga taxpayer sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
Aniya, ang pag-iinvest sa imprastraktura, social services at climate action kasabay ng pagbabayad ng mga utang ng bansa na dulot ng pandemya ay posible at kayang magawa sa suporta ng mga nagbabayad ng buwis.
“To the men and women of the Bureau of Internal Revenue and our most loyal taxpayers, remember that all of you are not just producing revenues. All of you are the shock troops leading in this historic moment of rebuilding our nation into one that our children and their children deserve. You are all creating a better future for the Filipino people,” ani Finance Secretary Carlos Dominguez III .
Ayon din kay Dominguez, ang bagong henerasyon ng mga entrepreneur sa ekonomiya ay kailangan na mapaalalahanan sa kanilang responsibilidad upang siguruhin na ang bansa ay umunlad sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis.
Samantala, binigyang diin naman ng kalihim na kinakailangan nang palakasin ang digital transformation program ng ahensya.
(Julie Gernale | La Verdad Correspondent)
Tags: BIR