Suporta ng mga indibidwal, pribado at pampublikong sektor sa pagtataguyod ng kapayapaan, kinilala ng Philippine Air Force

by Radyo La Verdad | June 20, 2018 (Wednesday) | 3876

Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng awards night ang Philippine Air Force bilang bahagi ng pagdiriwang sa papalapit nitong ika- 71 anibersaryo sa darating na buwan ng Hulyo.

Ginawaran ng pagkilala ng Philippine Air Force ang mga stakeholders partikular na ang mga indibidwal at grupo na kabilang sa pribado at pampublikong sektor na katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Philippine Air Force Commanding General Galileo Gerard Kintanar, malaki ang naitulong ng mga ito upang maganap ng hukbong himpapawid ng Pilipinas ang misyon nitong itaguyod ang kapayapaan sa bansa.

Kabilang sa mga kinilala si Special Assistant to the President Secretary Christopher Bong Go dahil sa pakikipagtulungan nito sa Philippine Air Force kaugnay ng Presidential Flight Operations.

Subalit ayon sa opisyal, ang administrasyong Duterte ang dapat magpasalamat sa hukbong himpapawid ng Pilipinas.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,