Suporta ng gov’t agencies, hiniling upang maresolba ang problema ng drug dependency sa bansa

by Radyo La Verdad | August 19, 2016 (Friday) | 2728

SENATE-HEARING-
Sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, mula Enero ngayong taon hanggang ngayong buwan, mahigit 600,000 na ang mga sumuko na may kaugnayan sa droga, siyam na porsyento rito ang kinakailangan na ma-confine sa drug rehabilitation, habang ang iba ay dapat masailalim sa intervention programs

Sa pagdinig ng senado, muling nadiin ang kakulangan ng rehabilitation facilities ng Department of Health, at kahit maging sa loob ng kulungan.

Samantala, ang mga sumusukong tulak ng droga, bumabalik nalang sa kani-kanilang kumunidad at hindi na nasusulosyonan ang kanilang drug dependency.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, bagaman nais niyang wakasan ang problema ng droga, wala siyang magawa kundi ipaubaya nalang ang mga nahuhuli sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, dapat nang tignan bilang isang public health problem ang drug dependency, dahil kung hindi mareresolba ang pagkakaadik sa droga, babalik at babalik lang ang problema na ito.

Ibinahagi naman ni National Youth Commission Chair Aiza Seguerra ang kanilang maiaambag sa pagsupo ng problema sa droga lalo na sa kabataan.

Bawat sangay ng gobyerno ay umaasa na masosolusyonan na sa lalong madaling panahon ang problema sa droga.

Sa susunod na pagdinig, umaasa ang senado na mas mabibigyang linaw pa ang mga hakbang upang maresolba ang problemang ito sa pamamagitan ng pagpasa ng mga batas.

(Joyce Balancio/UNTV Radio)

Tags: ,