Suporta ng Amerika sa muling pakikipag-uusap sa Phl sa isyu ng South China Sea, hiniling ng China

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 1442
Chinese Foreign Minister Wang Yi (REUTERS)
Chinese Foreign Minister Wang Yi (REUTERS)

Humihingi ng suporta kay United States Secretary of State John Kerry si Chinese Foreign Minister Wang Yi para sa muling pagbubukas ng usapan sa pagitan ng Pilipinas at China sa issue ng South China Sea.

Ito ay kasabay ng isinagawang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Laos, Vietnam.

Sinabi ni Yi kay Kerry na sumang-ayon ang China at ASEAN na kailangang maresolba ang dispute sa pamamagitan ng direktang pag-uusap ng mga concerned parties.

Umaasa ang China na magiging positibo ang tugon ng amerika at susuportahan nito ang resumption of talks upang mapanatili na rin ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon.

Tags: , , ,