Iginigiit ng China na hindi nito kikilalanin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa pilipinas sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Bagamat sinabi ng PCA na binding ang desisyon, wala naman itong kapangyarihan na ipatupad ang ruling.
Kaya naman isa sa mga pag-aaralan nila ng DFA ay kung paano ito maipapatupad.
Ayon sa DFA sa ngayon kailangan ng bansa ng suporta ng international community upang makumbinsi ang China na kilalanin ang karapatan ng pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Naniniwala rin dito si Senator Leila De Lima na isa sa mga delegado ng Pilipinas sa The Hague Aribtral Trubunal
Anya upang maipagpatuloy ang suporta ng ibang bansa, kailangan ng Pilipinas na igiit ang karapatan nito.
(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)
Tags: DFA, Suporta mula intl community