Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat kahit pumasok ang dry season – NWRB

by Radyo La Verdad | March 9, 2018 (Friday) | 4399

Hindi magkukulang ng suplay ng tubig sa buong Metro Manila sa dry season.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), nakatulong ang malakas na ulan noong nakaraang taon upang tumaas ang water level sa Angat Dam.

Nasa 206 meters ang tubig ngayon sa dam, mas mataas ng 10 metro sa normal water level. Sapat rin ang supply ng tubig para sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga na kumukuha ng tubig sa Angat.

Subalit ayon sa NWRB, kailangan pa ring magtipid kahit sapat ang supply ng tubig sa panahon ng tag-init.

Sa ngayon, kumikilos ang pamahalaan upang makahanap ng ibang pagkukunan ng tubig.

Under construction ang Laiban Dam sa Tanay, Rizal at Kaliwa at Kanan Dam sa Quezon.

Ang mga naturang dam ang itinatayo upang maging alternatibong pagkukunan ng tubig ng Metro Manila sakaling magka-problema sa Angat Dam.

Sasailalim sa rehabilitation ang Angat Dam upang kayanin nito ang malalakas na lindol.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,