Suplay ng kuryente sa susunod na taon posibleng kapusin-DOE

by Radyo La Verdad | November 9, 2022 (Wednesday) | 6435

METRO MANILA – Posible namang makaranas ang bansa ng kakapusan sa suplay ng kuryente sa susunod na taon ayon sa Department of Energy (DOE).

Paliwanag ng DOE ito ay dahil sa naka-ambang problema sa suplay ng natural gas na ginagamit sa Ilijan powerplant sa Batangas City.

Bukod pa rito inaasahan ring mas tataas ang demand sa kuryente sa panahon ng tag-init sa 2023,  kaya’t malaki ang posibilidad na magdeklara ng yellow alert dahil sa pagnipis ng power supply.

Tiniyak naman ng DOE na may mga inilalatag na silang hakbang upang tugunan ang antas ng demand sa suplay ng kuryente sa susunod na taon.

Tags: ,