Suplay ng kuryente sa Mindanao, patuloy na sinosolusyunan ng Department of Energy ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1568

JERICO_COLOMA
Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Energy (DOE) para matiyak ang patuloy at sapat na suplay ng kuryente sa Mindanao.

Pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr, ayon aniya kay Energy Secretary Zenaida Monsada, magkakaroon na ng karagdagang kapasidad sa suplay ng kuryente ng hanggang 600 megawatts sa unang bahagi ng taon.

Magsisimula aniya ito sa karagdagang 150 megawatt-thermal power plant ng Aboitiz Group na pasisinayaan ni Pangulong Aquino bukas sa Davao.

Ayon pa aniya kay Monsada, balik operasyon na ang nasa labing apat na transmission towers mula sa labinglimang kabuuang bilang nito matapos itong pasabugan noong nakaraang Disyembre.

Ani Coloma, nakakipagtulungan na ang lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur sa pangunguna ni Governor Mamintal Adiong sa mga local government units at National Grid Corporation of the Philipines para sa seguridad ng mga transmission tower.

Gayundin ang aniya ang pagtugon sa isyu sa right of way sa mayari ng lupang kinatatayuan ng mga ito.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,