Super Blood Moon, nasaksihan ng maraming sky-watcher

by Radyo La Verdad | September 29, 2015 (Tuesday) | 1058

blood moon

Maraming sky-watcher ang nagtipon-tipon sa iba’t ibang bahagi ng mundo para panuorin ang “Super Blood Moon” noong Linggo.

Ito ay ang kombinasyon ng “Super Moon” at lunar eclipse, kung saan natatakpan ng tila mapulang anino ng mundo ang buwan.

Ang blood moon ay tumagal ng mahigit isang oras at nakita sa North at South America, Europe, Africa at ilang lugar sa West Asia at Eastern Pacific.

Ang kasunod na supermoon-lunar eclipse combination ay sa taong 2033.
(Photo credit The Verge)

Tags: ,