Sunog sumiklab kagabi sa Bagong Barrio sa Caloocan City

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 3184

CALOOCAN-FIRE
Nasunog ang 13 bahay sa General Tirona St. Bagong Barrio sa Caloocan City kagabi.

Ayon kay Fire Superintendent Antonio Razal, alas otso kinse kagabi nang sumiklab ang apoy sa bahay na pagmamayari ni Nardo Pesca.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago ito naapula dakong alas-10:30 kagabi.

Wala namang naitalang nasugatan o namatay sa insidente.

Isa sa mga tinitingnan na pinagmulan ng apoy ay napabayaan nakasinding kandila dahil wala umanong kuryente ang bahay.

Tinatayang aabot sa tatlong daang libong piso ang halaga ng napinsala ng sunog.

Magbibigay ng tulong ang lgu ng Caloocan City ang 15 pamilya naapektuhan. (Reynante Ponte/UNTV News)

Tags: , ,

Biyahe ng MRT-7 mula North Avenue hanggang Caloocan City aarangakada na sa 2021

by Erika Endraca | July 18, 2019 (Thursday) | 18677

MANILA, Philippines – Posibleng simulan na ng Department of Transportation (DOTR) ang pagpapatakbo ng mga tren sa linya ng MRT-7 sa taong 2021.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan target nilang buksan sa susunod na 2 taon ang partial operability o biyahe ng MRT-7 mula North Avenue station sa Quezon City hanggang sa Sacred Heart sa Caloocan City.

Personal na ininspeksyon kahapon (July 17) ng mga opisyal ng DOTR ang constuction site ng MRT-7 kasama ang kinatawan ng San Miguel Corportation na siyang contractor ng proyekto.

Sa kasalukuyan mahigit 44% nang tapos ang MRT-7. Nakapaloob dito ang konstruksyon ng mga istasyon, platform at linyang paglalatagan ng riles ng tren.

Nakumpleto na rin ang pagbili ng 36 na bagong train sets mula sa South Korea. Maging ang matagal nang problema sa kontruksyon ng depot ay naresolba na rin ayon sa DOTR.

“Our concessionaire already has proposed a solution and secretary tugade already approved the solution and give us a few weeks we were just implementing it kapag ready na kami we will announce it but malaking malaki po yung matitipid natin na oras in terms of implementation once this solution is in place” ani DOTR Railways, Usec.Timothy John Batan.

Ang MRT-7 ay isang 23 kilometer railway system mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte Bulacan.

Binubuo ito ng 14 na istasyon ang North Avenue, Quezon City Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Dona Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala at San Jose Del Monte Bulacan.

Ang kumpletong linya ng MRT-7 ay inaasahang matatapos sa 2022.

Sa oras na matapos, ang dating 4 na oras na biyahe mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte Bulacan, aabutin na lamang anila ng 34 na minuto. Kaya nitong makapagsakay ng aabot sa halos 500,000 pasahero kada araw.

Samantala, tiniyak naman ng DOTR na hindi matutulad ang serbisyo ng MRT-7 sa mga aberya at problema sa linya ng MRT-3.

Ayon kay Usec.Batan mayroon na silang maigting na pakikipagugnayan sa mga pribadong sektor na katuwang ng pamahalaan na mangangasiwa sa pagtatakbo ng MRT-7. Bahagi rin ng kanilang kontrata ang pagpapataw ng multa sa pribadong sektor kung bigo ang mga ito na maiayos ang serbisyo ng mga tren.

“May mga performance indicators po tayo at kapag hindi po yan nafulfill ng ating concessionaire meron din po yang corresponding financial penalties so we’re expecting that to add to the assurances na mapapatakbo ng maayos ang linya kapag natapos in 2021-2022” ani DOTR Railways, Usec.Timothy John Batan.

Samantala 30% na ring tapos ang itinatayong common station sa may North Avenue na magdurugtong sa linya ng LRT-1, MRT-3 at MRT-7. Sa pagtaya ng DOTR inaasahang matatapos na ito sa susunod na taon.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , , ,

7 residente sa Caloocan City, sugatan sa pamamaril ng isang pulis

by Jeck Deocampo | December 26, 2018 (Wednesday) | 20082

CALOOCAN, Philippines – Isinugod agad sa ospital ang 7 lalaki kabilang ang isang menor de edad matapos ang umano’y pamamaril ng isang aktibong pulis sa Barangay 28, Bagong Barrio, Caloocan City noong Lunes ng kagabi.

Kusa namang sumuko ang suspek na si PO1 Danilo Tiempo, isang police rider na nakatalaga sa Navotas Police Station simula pa noong 2011.

Sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, nagkaroon ng komosyon sa lugar malapit sa bahay ng suspek na sangkot ang kapatid nito na si Roland Tiempo. Nang humingi ng tulong ang kapatid nito ay humantong sa pagpapaputok ng baril ng suspek.

Nagtamo ng minor injuries ang lima sa mga biktima na agad ding nakalabas ng ospital habang under observation pa ang dalawa sa mga ito kabilang ang isang menor de edad dahil sa tama ng bala sa braso at likod.

Na-recover ng mga pulis ang tig-isang basyo ng 9mm at kalibre .45 na baril.  Aminado naman ang suspek na pagmamay-ari nito ang mga baril ngunit itinangging may kinalaman ang kapatid niya sa insidente.

Self-defense umano ang kaniyang ginawa dahil sa pagsugod ng grupo sa kanilang bahay.

Ani PO1 Tiempo, “Sinugod po nila ‘yung father ko, grupo po sila, ‘yung mga adik po sa amin. ‘Yung father ko po tumakbo sa bahay. Nakita ko ‘yung father ko duguan, nag-react na po ako. Kaya gusto ko lumabas sa bahay. ‘Yung pagpunta ko po doon, nakita ko po ‘yung mga grupo. Susugurin po ako kaya kailangan ko rin po protektahan ‘yung sarili ko. Pinutukan ko sila sa baba para hindi po nila ako masugod.”

Nasa kustodiya na ng Northern Police District si PO1 Tiempo habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: , , ,

Hinihinalang notoryus na holdaper at rapist, patay sa engkwentro sa mga pulis sa Caloocan City

by Radyo La Verdad | August 21, 2018 (Tuesday) | 8974

Nauwi sa madugong engkwentro ang pag-aresto sa isang hinihinalang holdaper at rapist matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Phase 3 sa Bagong Silang, Caloocan City kagabi. Kinilala lamang ang salarin sa alyas Jepoy.

Ayon sa Caloocan City Police, nagsumbong sa kanila ang isang babae at lalaki na hinoldap umano sa isang madilim na eskinita pasado alas dyes kagabi. Tinutukan sila ng baril at kinuha ang kanilang mga wallet at cellphone. Hindi pa nakuntento ang suspek at ginahasa pa nito ang bente anyos na babae.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at nang makita ang lalaki na tumugma sa diskripsyon ng mga biktima ay sinita nila ito at hinarang.

Narekober sa suspek ang gamit nitong revolver na 38 kalibre na baril.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News