Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa posibleng sanhi ng sunog sa lumang barracks ng mga sundalo sa Camp Servillano Aquino sa San Miguel, Tarlac pasado alas diyes kagabi.
Ayon sa mga residente, isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa kampo bago nagsimula ang sunog.
Pinabulaanan naman ng AFP North Luzon Command ang mga ulat na kumalat sa social media na kagagawan ng NPA at mga terorista ang pagsabog.
Alas onse y media nang tuluyang maapula ang apoy. Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com