Sumiklab ang sunog sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prisons sa Barangay Poblacion sa Muntinlupa City.
Ayon sa inisyal na ulat Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 3:50 ng madaling araw na umabot sa ikaapat na alarma.
Alas 6:52 ng umaga nang ideklara ng BFP na kontrolado na ang sunog at tuluyang naapula 8:42 kaninang umaga, partikular na nasunog ang factory building ng mga handicrafts at wood decors.
Ayon kay Senior Supt. Gerardo Padilla ng Bureau of Correction (BOC), may lawak na 1500 square meter ang factory na nasunog.
Wala ring napaulat na nasugatan o nasawi na inmates dahil may layong 50 meters ang factory building sa kulungan ng mga preso.
Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy at halaga ng napinsalang mga ari-arian.
Tags: BFP, new bilibid prison, sunog