Iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang angulo na sadyang sinunog ang evacuation camp ng mga Lumad sa United Church of Christ in the Philippines (UCCP) Haran House sa Davao City.
Nagsimula ang sunog kahapon ng madaling araw sa isang dormitoryo sa loob ng compound kung saan pansamantalang tumutuloy ang mga lumad.
Makalipas ang ilang minuto, isa na namang dormitoryo ang tinupok ng apoy isang daang metro mula sa evacuation center.
Apat ang nasugatan sa insidente kabilang na rito ang dalawang bata.
Ayon sa Davao City Police Office, pinag-aaralan na ang posibilidad na arson ang dahilan ng sunog.
May marecover din umano ang mga otoridad na mga plastic bottle at galon na may lamang gasolina na hinihinalang ginamit sa pagsunog sa lugar.
Pinabulaanan naman ng militar ang alegasyon na sila ang nasa likod ng insidente
tiniyak naman nito na ni Eastern Mindanao Command Deputy Commander Ronnie Evangelista na nakahanda silang humarap sa imbestigasyon ng itatalagang fact finding body.
(Janice Ingente / UNTV Correspondent)
Tags: Davao City, evacuation camp, mga Lumad, mga otoridad