Sunod-sunod na kaso ng pang-aabuso ng ilang guro sa mga estudyante, ikinabahala ng DepEd Caraga

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 4633

Ika- 26 ng Hulyo nang arestuhin ng Veruela PNP ang teacher na si Ramil Dologmanding, dahil sa umano’y panghahalay ng ilang mag-aaral sa Veruela Agusan del Sur.

Ika- 27 naman ng Hulyo nang arestuhin ang isa pang guro na si Alexander Perez sa Tandag, Surigao del Sur dahil sa kasong pag labag sa RA 7610 o ang Anti-Child Abused Law.

Dahil sa mga pangyayari, naalarma ang Department of Education (DepEd).

Kaya naman muling pupulungin ng DepEd Caraga ang Child Protection Committee (CPC) sa bawat eskwelahan upang ‘di na muling maulit pa ang pang-aabuso.

Ang CPC ay binubuo ng mga kinatawan mula sa mga guro, magulang, student government at local government unit (LGU).

Magsasagawa rin ng mga symposium ang DepEd magkakaroon ng sapat kaalaman angga estudyante kung paano makaiwas sa pang-aabuso.

Kaisa naman ang PNP sa programang ito ng DepEd.

Sa ngayon ay inaantay nalang ng DepEd ang desisyon ng korte sa kaso ng dalawang guro, at tiniyak na hindi nila kikunsintihin nag sinomang mapang-abusong guro na sisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,