Sunod-sunod na drug operations, hindi pagpapasikat ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 1154

LEA_HINDI-PASIKAT
Bahagi ng mas pina-igting na kampanya ng Philippine National Police laban sa ilegal na droga ang sunod-sunod na drug operations sa bansa.

Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, matagal na nyang direktiba sa mga pulis na ayusin ang lumalalang problema sa droga ngunit pansamantala itong hindi nabigyan ng pansin dahil naging abala sila sa paghahanda ng seguridad sa apec summit at eleksyon.

Ipinagtanggol din ni Gen. Marquez ang mga pulis na nakakapatay sa mga suspek na umano’y paglabag sa karapatang pantao.

Ayon pa kay Marquez, mayroon din naman silang sariling imbestigasyon kung may napapatay na mga suspek sa mga operasyon.

Sa tala na inilabas ng PNP, umabot sa 29 ang mga suspek ang nasawi sa drug operations simula may 10 hanggang june 15 ng taong ito, kumpara sa 39 na mula noong Enero hanggang May 9, 2016.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,