Sundalo na, magsasaka pa, inilunsad ng Northern Luzon Command sa Tarlac

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 9266

Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command katuwang ang Agricultural Training Institute o ATI, Department of Agriculture, local government units, at mga stake holders ang programang “Sundalo na, magsasaka pa!”  sa Camp Servillano Aquino sa Tarlac City.

Ito ay extension project ng Norther Luzon Command para sa mga sundalo at kanilang pamilya.

Layunin nitong maihanda ang AFP members na malapit nang magretiro sa serbisyo  sa kanilang buhay bilang sibilyan.

Sa ilalim ng programa, tuturuan sila ng tamang paraan ng organic farming, goat raising at mga kaalaman sa climate change mitigation and adoptation.

Ikinatuwa naman ng mga sundalo ang programa. Anila, kung maganda ang kalalabasan nito ay maaring ito na ang kanilang pagtutuunan ng pansin paglabas nila ng kampo.

Limang pung sundalo ang initial na sasabak sa programa kung saan imomonitor sila sa ilalim ng programa sa loob ng 2 taon.

 

( Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,