Sumukong drug pusher at user sa Zamboanga City, umabot na sa 4,100

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 2568

DRUGS
Umabot naman sa kabuoang apat na libo at isang daang indibidwal na sangkot umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang sumuko sa Zamboanga City mula nang ipatupad ang oplan “tokhang”.

Kahapon ay nasa mahigit limang daang drug dependent mula sa labing limang barangay sa lungsod ang nangakong ititigil na ang masamang bisyo.

Tiniyak naman ng Zamboanga City Government tutulungan ang mga ito upang makapagbagong buhay.

Sa ngayon mayroon nang 1.5 million na nakalaaang pondo para sa rehabilitation ng mga sumukong gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

(UNTV RADIO)

Tags: ,