Isa sa mga pangunahing isyu na tinututukan ngayon sa bansa ang operasyon ng Philippine National Police lalo na sa pagka-sangkot ng ilan sa kanila sa drug- related cases.
Sa panayam ng UNTV News kay QCPD Acting District Director PCSupt Col. Guillermo Lorenzo Elezar.
Ipinayahag nito na mayroon nang 7,101 na kabuoang bilang ng mga boluntaryong sumuko ng drug dependents sa Quezon City.
Samantala, may 200 police personnel sa Quezon City ang kanilang tinanggal sa tungkulin bunsod ng pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Habang ang ilan na iniimbestigahan pa ay inililipat nila ito sa ibang operasyon.
Binigyang diin naman nito na hindi naman lahat ng drug operations sa bansa ay nauuwi sa madugong engkwentro at pagkakapatay ng drug suspects.
Samantala, hinid naman umano makakaapekto sa moral ng mga pulis ang kasalukuyang pagdinig ng Senado kaugnay ng mga ulat sa kasong extra judicial killings sa bansa.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: 101, Sumukong drug dependents sa Quezon City, umabot na sa 7