Pinalitan ang 501st Brigade Commander ng Philippine Army sa Jolo, Sulu na si Brigadier General Allan Arojado isang araw matapos ang pagpugot sa ulo ng Abu Sayyaf sa bihag nitong Canadian.
Sa loob ng mahigit sa isang taon, nanguna si Arojado sa Joint Task Group Sulu na nakatutok sa pagbibigay ng seguridad at pagtugis sa mga kidnap for ransom group sa Jolo, Sulu.
Tinanggi naman ni AFP Spokesperson Restituto Padilla Jr., ang mga ulat na nagbitiw sa pwesto si Arojado dahil sa umano’y palpak na operasyon laban sa bandidong grupo.
Dagdag pa ng opisyal, hindi pinahihintulutang magbitiw ang sinumang opisyal ng Philippine Army dahil sakop ito ng orders liban na ang mga nasa major army position.
Si Arojado ay pinalitan sa pwesto ni Col. Jose Faustino Jr.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)