Inilunsad ngayong araw ang Sulong ang Pag-unlad Movement o SAPM.
Ang SAP Movement ay binubuo ng 600 dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan, NGO ay mga negosyante na pinamumunuan ni dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy.
Hinihikayat ng grupo si Special Assistant to the President Bong Go na tumakbong senador sa 2019 elections.
Ayon sa chairperson ng grupo, nakitaan nila ng potensyal si Go nang sagutin nito sa pagdinig sa Senado ang mga isyung ipinupukol sa kanya kaugnay sa frigate deal.
Nagpatak-patak lamang anila sila para sa panggastos sa movement at bukas naman ang grupo sa sinomang partido na gustong sumuporta kay Go.
Hindi nakarating sa pagtitipon si Go kaya si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na lamang ang nagpaabot ng kaniyang mensahe. Aniya, pinag-aaralan pa ni Go kung tatakbo ito sa 2019 senatorial elections.
Isa sa dapat ikunsidera ay ang survey kaya dapat ay maipaliwanag ang mga nais nitong magawa para sa publiko.
Ayon kay Andanar, si Go ang nagsisilbing tulay ng publiko sa pangulo. Ipagpapatuloy aniya ni Go ang paglaban sa iligal na droga at kriminalidad gayun din ang pagtugon sa issue ng kahirapan sa bansa.
Ayon naman kay Sta. Rosa, Laguna Mayor Danilo Fernandez, tahimik lamang kung gumawa si SAP Bong Go subalit nagiging katulong ito ng Pangulong Duterte.
Si Fernandez ay lumipat na sa PDP-Laban mula sa Liberal Party (LP).
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )
Tags: SAP Bong Go, SAPM, senador