Suggested retail price ng karne ng manok, bababa simula ngayong Lunes

by Radyo La Verdad | April 20, 2015 (Monday) | 4843

manok
Simula ngayong linggo ay bababa na sa one hundred pesos ang presyo ng kada kilo ng manok mula sa dating one hundred thirty pesos.

Ayon sa Department of Agriculture, ipapaskil nila sa mga palengke ngayong araw ang bagong suggested retail price ng manok bilang gabay sa mga consumer.

Binawasan nila ang srp ng manok dahil sobra ang supply nito sa ngayon

at mababa rin ang farm gate price nito kaya walang dahilan para manatiling mataas ang presyo ng chicken meat.
Paglilinaw naman ng D-A, pansamantala lang ang mababang presyo ng manok dahil oobserbahan pa nila ang magiging galaw ng bentahan nito sa susunod na dalawang linggo.

Mananatili naman ang one hundred seventy five pesos hanggang one hundred eighty pesos per kilo ang suggested retail price ng baboy.