Sugatang pasahero ng naaksidenteng SUV sa Rizal, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 21, 2018 (Wednesday) | 4531

Sugatan ang mga pasahero at driver ng isang SUV matapos bumangga ang sasakyan sa nakaparadang truck sa Barangay Rizal, Baras, Rizal kahapon ng madaling araw.

Sa insiyal na imbestigasyon ng mga pulis, galing umano sa inuman sa Tanay, Rizal ang mga sakay ng SUV. Habang binabaybay ng sasakyan ang Manila East Road ay bigla na lang nitong sinalpok ang likuran ng nakaparadang 10-wheeled truck.

Agad tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang babaeng sakay ng SUV na si Joelan Fabion. Nagtamo ito ng sugat sa kanang tuhod, galos sa kaliwang paa at pagdurugo naman ng ilong. Matapos malapatan ng first aid ay dinala ng UNTV Rescue sa Rizal Provincial Hospital ang babae.

Tumanggi naman ang driver na malapatan ng pangunang lunas habang ang isa pang kasama nito ay mabilis na umalis sa lugar.

Nilapatan naman ng UNTV News and Rescue ng pangunang lunas ang tinamong bukol at pananakit sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ni Ronald Manlapas matapos bugbugin ng hindi niya nakikilalang mga kalalakihan sa Zamboanga City kahapon ng madaling araw. Matapos malapatan ng first aid ay tumanggi ng magpadala sa ospital ang biktima.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,