Sugatan sa vehicular accident sa Cagayan de Oro City, tinulungan ng UNTV News & Rescue

by Radyo La Verdad | May 22, 2018 (Tuesday) | 9614

Nakahiga sa gilid ng kalsada at iniinda ang pananakit ng kanang kamay nang datnan ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking ito sa Brgy. Tablon, Cagayan de Oro City pasado alas onse kagabi. Ang biktima ay kinilalang si Shan Vincent Collados.

Agad ini-asses ng UNTV Rescue si Collados at nilapatan ng pangunang lunas ang kaniyang posibleng bali sa kanang kamay at ang gasgas sa mga paa.

Ayon sa asawa ng biktima, sakay sila ng tricycle nang biglang huminto ang Revo FX na kanilang sinusundan dahil may iniwasan umano itong isang truck. Dahil dito, bumangga ang tricycle na kanilang sinasakyan sa likurang bahagi ng Revo FX.

Matapos bigyan ng first aid, inihatid na ng UNTV Rescue si Collados sa Northern Mindanao Medical Center.

Habang ang rescue team naman ng barangay ang nagsugod sa ospital sa driver ng tricycle at dalawa pa nitong pasahero.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,