METRO MANILA – Nanawagan ang United Sugar Producers Federation sa pamahalaan na taasan na ang Suggested Retail Price (SRP) sa asukal.
Ayon sa presidente ng grupo na si Manuel Lamata, nasa 8% – 12% ang posibleng mabawas sa kanilang produksyon.
Binaha anila ang mga pananim ng tubo sa Negros, Panay at Cebu dahil sa sobrang lakas ng ulan na dala ng bagyong Paeng.
Kapag hindi anila tinaasan ang SRP ay mahihirapan silang magtanim muli ng tubo sa susunod na cropping season dahil wala silang maipamumuhunan.
Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), may inirekomenda na sanang SRP pero muli nila itong babalikan pagkatapos na makuha ang datos kaugnay sa epekto ng bagyo sa Sugar Industry.
“Yung hinihingi namin po hindi lang kay presidente pati sa taumbayan. Kung pwede tulungan kami sa industry na iangat lang po yung retail price na SRP na instead of 70 kung pwede gawing 85, 90. Hanggang lang po maka recover yung mga planters natin” ani United Sugar Producers Federation President Manuel Mata.
Tags: Sugar Industry