Substitute Bill para sa pagbabalik ng death penalty, inaprubahan na ng House Committee on Justice

by Radyo La Verdad | December 7, 2016 (Wednesday) | 2012

nel_death-penalty
Sa botong 12-6 at isang nag-abstain, inaprubahan na ngayong araw ng House Committee on Justice ang consolidated bill upang maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Nguniit bago nakapasa, dumaan muna ito sa mainitang debate ng mga mambabatas na tutol sa naturang panukala.

Sa deliberasyon ngayong araw, ipinirisinta ni House Committee Chairman Vicente Veloso ang pangangailangan na maibalik ang death penalty.

Base sa sub-committee report, ipapataw ang death penalty sa heinous crimes na nakasaad sa revised penal code.

Kabilang dito ang treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping and serious detention, robbery, arson, plunder.

Kasama rin ang drug-related offenses, pagtatanim ng ebidensya na ilegal na droga at carnapping.

Inaasahang isasalang sa plenaryo ang panukala bago ang session break sa susunod na linggo.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,