Substitute bill ng proposed BBL, tatapusin bago mag-recess ang Senado

by dennis | June 4, 2015 (Thursday) | 2843
File photo: UNTVWeb.com
File photo: UNTVWeb.com

Ipinangako ni Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr,chairman ng Senate Committee on Local government na tatapusin ng kaniyang komite ang substitute bill ng BBL bago tuluyang mag-recess ang Senado sa June 11.

Bibigyan niya ng kopya ang lahat ng senador sa kanilang gagawin committee report upang mapag-aralan nila ito habang naka-bakasyon.

Ayon sa senador, kailangan pa ng maraming rebisyon ang BBL kaya’t nagpasya ang komite na gumawa na lang ng isang substitute bill kung saan nakapaloob na dito ang saloobin ng iba’t-ibang stakeholders gaya ng Moro National Liberation Front, indigenous people at iba pang grupo na kanilang nakaharap sa mga naging pagdinig ng komite sa BBL.

Samantala, magkakaroon pa ng isang pagdinig sa proposed BBL dahil may mga naiwan pang mga isyu na dapat liwanagin at ayusin gaya ng isyu sa taxation.(Meryll Lopez/UNTV Radio)

Tags: , , , ,