Subpoena power, gagamitin na ng PNP-CIDG kung muling i-dismiss ng DOJ ang motion for reconsideration sa kaso vs Lim, Espinosa

by Radyo La Verdad | March 15, 2018 (Thursday) | 5056

Bagamat naniniwalang malakas ang kanilang kaso laban sa mga drug lords na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa at iba pa, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group Director Roel Obusan na nakahanda silang gamitin ang kakapasa lang na batas na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang mag-issue ng subpoena.

Ayon kay Obusan, gagawin nila ito upang makakalap ng karagdagang ebidensya laban sa mga drug lords.

Sinabi pa ni Obusan na may kredibilidad pa rin ang kanilang witness na si Marcelo Adorco, ang driver-bodyguard ni Kerwin kahit na mayroong hindi pagkakatugma sa mga oras at petsa sa laman ng pahayag nito.

Dagdag pa ng CIDG, nagsasagawa na sila ng lifestyle check, subalit tumangging pangalanan kung sino.

Handa rin aniya nilang kasuhan ang mga prosecutors na mapatutunayang tumanggap ng drug money kayat nabasura ang kanilang kaso.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,