Sub-task group na mag-iimbestiga sa umano’y manipulasyon sa presyo ng mga bilihin, binuo ng DTI

by Erika Endraca | January 21, 2021 (Thursday) | 41194

METRO MANILA – Nagsanib pwersa ang ilang ahensya ng pamahalaan para mahuli ang mga nasa likod ng umano’y pagsasamantala sa presyo tulad sa gulay, karne at isda.

Sa layuning matunton ang umano’y mga grupong nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito’y sa pamamagitan ng binuong sub task group na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DILG) katuwang ang iba pang mga ahensya tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang mga ahensya na may intelligence fund.

“Beyond what we see in the market kailangan masilip natin mga nangyayari in between, ibig sabihin ilang pasahan yan, sino ang mas maraming ipinatong, saan baka may nagtatago ng supply para magkaroon ng artificial shortage so yan po kailangan ng imbestigasyon ng intelligence” ani DTI Sec. Ramon Lopez.

Sa ngayon ay kumikilos na angDTI, upang matukoy kung may mga trader na nagmamanipula sa presyo at suplay ng mga pangunahing produkto.
Tiniyak naman ni Secretary Lopez na kanilang papananagutin ang sinomang mapapatunayang nasa likod ng iligal na gawain, at nagbanta na may katumbas na multa o kulong ang sinomang lalabag sa price act.

“Ang ating team po ay may mga binibisita na bodega o warehouses para tuluyang ma-pushthrough ma follow through ung mga stocks that they have….para mafollow thorugh kung sino talaga yung may unusual build up ng inventory or kung may artificial shortage sa isang lugar nasaan yung stocks.” ani DTI Sec. Ramon Lopez.

Samantala pinadalhan na rin ng DTI ng letter of inquiry ang higit 1,000 mga negosyante para magpaliwanag sa presyo at suplay ng mga ibinebenta nilang produkto.

Habang aabot naman sa 31 ang naisyuhan na ng show cause order, at 16 na ang kinasuhan dahil sa paglabag sa price act.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: , , , ,