Student-beneficiary ng 4P’s, nagtapos ng valedictorian sa high school

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 4884
Photo credit: DSWD
Photo credit: DSWD

Naging valedictorian ang isa sa mga student-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ng Department of Social Welfare and Development.

Galing sa isang maralitang pamilya, hindi ito naging hadlang kay Shaira Perez, 16 taong gulang, para makamit niya ang pinakamataas na karangalan nang magtapos ito ng high school sa Laiya National High School sa Bgy. Laiya, San Juan, Batangas.

Pinangunahan niya ang nasa 287 mag-aaral na nagsipagtapos ngayong taong 2015 sa naturang paaralan.

Isa lamang si Shaira sa mahigit 9,000 high school graduates na beneficiaries ng 4P’s sa probinsya.

Aminado ang ina Shaira na si Rowena Perez na tila hindi nila kakayanin na pag-aralin pa ng college si Shaira subalit buo ang loob ang bata na makapag-aral ng kolehiyo sa kabila ng kanilang abang kalagayan.

Dagdag pa ni Shaira, hindi kailanman magiging hadlang ang kahirapan ng buhay upang gumuho ang kaniyang pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Target ni Shaira na makapag-aral ng accounting o engineering sa University of the Philippines.(Joms Malulan/UNTV Radio)

Tags: , , , , ,